I want to share my TANAGA with YOU...
Tanaga measures seven.
One Filipino poem.
Profound seven-syllables,
Aesthetic words in ART form
K. Vim,
Sinaniban ako kagabi! Tanaga ako ng Tanaga hanggang sapagkanta ko ay napatulog ko pa ang mga anak ko. Puwede po ba sumali at gamitin ko ang "powers" na ito? Pa gamit ha?
Susmaryosep, na realize ko pag pito-pito ang sukat hindi angst ridden ang tinutula ko. Grabe! Ibang klaseng salita nabibigkas ko. May ibang healing....
Hear and dig this, man!
Simula ng Agosto
tunay ngang buwang ako
dahil pagkamatay n'ya
siya kong pagkabuhay na!
Namatay ang tatay ko,
nawala, nagrebelde
sumayaw at nagsulat
di naluha sa ere.
Kitam... May sanib na ako!yikes! I'm scared!
Pwede na tong TANAGA
naglalaro sa siyete
Kagabi inawit 'to
alas dos natapos ko.
Tanong ko sa kaniya kanina, " May freeverse TANAGA ba?" Tugon ni Kuya " Binilang ko 7 pantig naman lahat. Apat na taludtod o linya. Tama ang tanaga."
Oh di ba, pito-pito!
Hilig ni Ama pito.
Naaliw si Kuya "Talaga?. Lucky Number." Ito pa ikagugulat mo...
Kapanganakan ko ay
October 7 'xx
Pinanganak ina ko
December 7 'xx
Ang kay Kuya ay nandun
napasa sa anak n'ya
November 7 "xx
Nilibing nga si Papa
nitong Agosto pito!
Buhay namin pito.
i-REclaim ko na ito!
Hala, diwa ko pito.
Hala, nonstop na ito.
K. Vim, oh my gosh, it flows!
Yehey!
I found me at thirty four!
No wonder
3+4 equals SEVEN
Papuri ni Kuya " Salamuch sa Diyos! Amen. Praise the Lord. Allelujah." PATAY! di ako makahirit nang mula sa puso ko. Umanin na ako
Isa yan sa issues ko...
Birth Cert ko ay INC
Sakto incomplete ako!
INC ang tatay ko
Nanay ko Katoliko
Katoliko hubby ko
Ako? I'm happy searching!
Okay na Interfaith ko,
Habi habing hibla raw.
Kulang pakiramdam ko
pero darating din yan,
I know!
And I know it will build soon!
Gets mo na? TANAGA, rocks!!
TANAGA is measured 7-7-7-7. Each line may rhyme like AABB, ABAB, ABBA; to freestyle forms such as AAAB, BAAA, or ABCD. And Tanagas, like the Japanese haikus are meant to be untitled as it speaks for itself!
Bow!!
0 comments:
Post a Comment