PAMBANSANG KUMPERENSYA UKOL KAY GAT JOSE RIZAL



PAGPAPALIWANAG SA TEMA
Ang Pambansang Kumperensya ay inorganisa bilang paggunita sa ika-150ng taon ng anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Jose Rizal, at bilang pagpapatuloy ng mga serye ng BAKAS Sampaksaan ukol kay Rizal. Kagaya ng Sampaksaan, layunin ng Kumperensya sa pangkalahatan ang matugunan ang mahigpit na pangangailangang magkaroon ng tunay na makabuluhang diskurso ukol kay Jose Rizal na bunga ng at pinagyayaman ng paggamit ng Pantayong Pananaw at Bagong Historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, layunin ng Pambansang Kumperensya ang natatanging pagtampok/pagtalakay kay Rizal sa konteksto ng kanyang pagkapaloob, hindi lamang sa isang partikular na pook pangkasaysayan at pangkalinangan, kundi higit sa lahat, sa kanyang mag-anak/angkang Pilipino, ang mga Rizal Mercado, na humaharap sa mga hamon ng krisis panlipunan noong ikalawang bahagi ng ika-19 na dantaon.

Nahahati ang kumpensya sa apat na sesyon o bahagi:
1. Pangkalahatang perspektiba
2. Kontekstong pangkasaysayan ng ikalawang bahagi ng ika-19 na dantaon
3. Ang tugon ng pamilya Rizal Mercado sa krisis panlipunan ng ikalawang bahagi ng ika-19 na dantaon
4. Si Rizal sa kasalukuyang pagtingin: Angkan, Akademya, Simbahan at Bayan

Setyembre 17, 2011 (LAKBAY-ARAL)
Ang mga nakalistang lugar sa ibaba ay pupuntahan bilang pagpapalawak/pagpapalalim ng kaalaman ng mga delegado kaugnay ng naganap na kumperensya. Magkakaroon ng mga panayam hindi lamang sa bus kundi maging sa mga lugar mismo na nabanggit.
1. Bantayog ni Rizal & Tahanang Ancestral, Calamba
2. Pinakamataas na Bantayog ni Rizal, Calamba
3. Tahanang Ancestral ni Paciano & Mosoleo ng mga Kapatid ni Rizal na Babae, Los BaƱos
4. Fort Santiago & Bantayog ni Rizal, Intramuros
5. Liwasang Paco at Sementeryo, Paco
6. Bantayog at Mosoleo ni Rizal & Rizal Lights & Sounds Museum, Luneta

Dahil limitado ang slots ng lakbay-aral, first come, first served ang pagpapatala.

PAGPAPATALA
Setyembre 15-16 (Kumperensya lamang):
Kasapi ng BAKAS, Inc. (at mga mag-aaral): 1,200 Php
Hindi kasapi ng BAKAS, Inc.: 1,500 Php
Bilang katibayan, pakidala po lamang ang inyong I.D.
[Nakapaloob: kit (papel, bolpen, abstrak ng mga papel at CD), tanghalian at umaga at hapong merienda para sa 2 araw, at mga sertipiko).

Setyembre 15-17 (may Lakbay-aral):
Kasapi ng BAKAS, Inc.: 2,000 Php; Di-kasapi, 2,300 Php
[Nakapaloob: kit (papel, bolpen, abstrak ng mga papel at CD), tanghalian at umaga at hapong merienda para sa 3 araw, mga sertipiko, 1 aklat at mga panayam/lecture sa bus at sa mga lugar na pupuntahan]


Yan ang dakilang maigugugol ko sapagkilala kay Rizal sa kaarawan nga niya.

Paano makababayad? Mag-ipon at magtabi mulasasweswelduhin ngayong Styembre! Kaugnay ng pagbabayad, maaaring

1. Ideposito ang bayad sa Bank of the Philippine Islands, Loyola Katipunan Branch sa Peso Savings Account: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc. [Account No.: 003081-1164-22]. Paki-fax po lamang ang deposit slip sa (+632) 927-2396 o paki-email ang isang kopya nito sa bagongkasaysayan@yahoo.com. Pakitiyak lamang na nakalagay ang pangalan ng mga delegadong ipinapatala.
2. magbayad sa araw mismo ng Kumperensya sa pamamagitan ng
a. Check. Pakipangalan po lamang ito sa Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc.
b. Cash

AKOMODASYON
Sariling responsibilidad ng mga delegado ang bayad at pag-aasikaso sa kanilang tutuluyan. Maaring pumili at makipag-ugnay sa alinman sa mga nakalista sa ibaba:

1. Miriam College Lead Center Residence Hall
(434-6946, 580-5400 local 1094)
Deluxe Room (3 katao): 2,800 Php
Standard Room (5 katao): 2,800 Php

2. U.P. SOLAIR (Telefax 920-7717)
Single: 400 Php
Double: 350 Php
Triple: 300 Php

3. U.P. Francisco Benitez Alumni Center (Telefax 926-1426)
Double: 700 Php
Triple: 900 Php

4. U.P. University Hotel (926-1975, 435-1319, updilimanhotel@gmail.com)
Single: 400 Php
Double: 350 Php
Triple: 300 Php

5. Balay Internasyonal (920-4843; 425-1854, upbalay@hotmail.com)
Small studio unit: 1,000 Php
Big studio unit: 1,300 Php

6. U.P. NISMED (927-4276 ext. 102, 928-1563 ext. 102, nismed@up.edu.ph)
Single: 350 Php
Double: 590 Php
Triple: 740 Php

AT IBA PA
May mga aklat at iba pang kagamitang panturo na ipapamahagi sa pamamagitan ng mga pa-raffle.

SECRETARIAT
Para sa mga paglilinaw, katanungan o tugon, maaaring makontak ang secretariat sa pamamagitan ng telefax 9272396, celfone no. 09276085831 at email address bagongkasaysayan@yahoo.com. Maari ring ipadala ang inyong liham sa Postal Office Box 366, Unibersidad ng Pilipinas Diliman Campus, Lunsod Quezon at/o Unit 2 No. 35A Kalye Escaler, Loyola Heights, Lunsod Quezon.

Para sa mga updates, ugaliin ding bisitahin ang ating bahay dagitab (website) na http://bagongkasaysayan.multiply.com/ at/o http://bagongkasaysayan.org/.

Para sa inyong kapakinabangan, ilalakip sa mga bahay dagitab ang DepEd advisory at Ched memorandum, ang mapa ng lokasyon ng Miriam College at iba pang mahahalagang pahatid balita kaugnay ng Kumperensya. Maaari ding idownload ang mga naturang dokumento mula sa mga opisyal na bahay dagitab ng DepEd at Ched.

BUT...
If my children are still reading the "Elementary" stories about our national hero, Gat. Jose Rizal, should I introduce them to him right away and start changing their perspective on what true Heroism is, this early? Then, wouldn't that make me a Spoiler Mum ?

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Followers

Archive

 

Momma & Sons.