Debid
" Huy , punta ka na sa Handuraw! May tugtog kami. Kunin mo na itong Malong. O may buyer ka? Kunin mo na itong itim. Wala naman na akong magiging anak na babae. Sa 'yo na yun para dalawa na sila at may pang sayaw ka na ulit." Yan ang kanyang huling paanyaya , ilang araw bago siyang tuluyang nawala.
Nung narinig ko ang balita, a friend gave a shamanistic ritual for the rest of the passengers of that bus. Nasambit ko na " There's something in that bus. There's something more than the fact na parang dalawa nga kayo nila Tads na puro premonition before that trip. ( At pati pala pag upload ko ng wall cover sa FB noong Feb 5th.)
Ngayon alam ko na what it was- that bus was packed with brave fatalistic souls who have lived their lives to the fullest!
Tunay na masasabi ko ngang, hanggang sa dulo (at maaaring hanggang sa kasalukuyang laman ng mga balita) di nasayang ang trip trip niyo ni Tads. Binuksan niyong muli ang isyu sa National Road Safety. Nariyan na ang pagbibilang kung saan-saan nga ba yang 40 mountains. Ngayon, papa ink este, hand -tap tattoo na sila kay Apo Whang Od, oldest mambabatok .
Inaalam na nila ano nga ba meron sa selebrasyon sa Norte kung may "Pinikpikan ". May gagaya na rin sa mas makaPinoy na paraan ng birthday celebration para anak. Nagising na rin sa debate ng mechanical failure vs. human error. Andami niyong iniwang punto. Natauhan na ang karamihan! Namulat na sa Sining at kultura! Nangarap na ang ilan ng mas ligtas na paglalakbay!
Bukas, kapatid , bukas. Bukas pagkatapos kay Tads dyan naman ako sa Aguinaldo. Bukas ko na pipiliting makita ka. Bukas ako makikibalita tungkol sa operasyon ni Abby. Bukas sana mayakap ko rin sina Tita. At sa maraming bukas ay maalagaan man lang kahit saglit ang mga chikiting gaya ng proxy kong pakikipaglaro't pagbantay sa kanila tuwing may gig.
At sa tunay na bukas, kitakits tayong muli - mapayapa, maparaan, jamming at pintigan mula nang kami nila Des ay dalaga at kayo nama'y mga binata pa. Hanggang heto at tayo'y mga magulang na. (At naniniwala akong mga magulang na patuloy na nagmamahal , maiba man pisikal na sitwasyon, mapalayo man sa ating mga anak. )
Bukas , Debid, bukas. Kahit mabigat pa. Huntahan tayong muli, kaibigan.
Pati sa dulong bukas.
Takits!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment