Debid Sicam


Ika tatlumpo't lima...

" Nasaan na kaya ang bangkay?"
Paghahanap ng anak sa ama.
" 'tol, hindi ako maka-iyak, hinahanap ko ang pagluha."
" Tara na lang, sa ami'y manood ka!"

Halos labindalawang kanta at sa mga pagitan,
pinuno ka ng payo, pangarap at huntahan.
Alak, sigarilyo, french fries o kropek in between
Balot na sa usok, lulon na sa mga awitin.

Isang gabi ng paghahanap.
Nang lumaon, gabi na ng halakhak.
Nagkubli , animo'y maluwalhati't maluwag na
Tumatakas ba tayo sa tunay na paksa o nagbubuo na lang ng bagong pag-asa?

Samahan mo na lang ng mga planong paglalakbay,
mga pag-akyat kasama nang mga anak at gabay.
Mga raket na di pa nila nagawa, kaiba, dapat may iiwang tatak
Hindi gaya ng mga naunang pinagkakitaan lang sa mga ordinaryong latak!

At sa tuwing may bagong proposal,
hanggang sa maapprove na ito o biglaan
Maaasahang lilipad, sisipot, tutugtog yan
Mag-isa man sya, may kasama o grupo ng maramihan.

Kaya nang marinig na namin ang balita
Hindi kami makapaniwala, natulala!
Aabot sa anim hanggang walo sa katropa ay nakasama
Mabigat, naunsyami, hindi makapagsalita.

Buntong hininga ....

Bumalik nga sa gulong ng ika-tatlumpo't lima natin
Life well lived , carpe diem!
Ngunit ngayo'y alam ko nang walang tutulo pagka't iba pala ang ibig sabihin
Ang pagluha ay di lang pag-iyak bagkus paghinga ng malalim....

Malamang sa paglipas ng taon, babalik rin....

" Tita, nasaan na kaya si Dada?"
Paghahanap ng mga anak sa ama.
" Agung, Amian...hinga lang, hinga."
"Tara! Akyat, langoy, takbo, lakbay, tugtog tayo at magpinta"

Takits, Sicam.


0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Followers

 

Momma & Sons.