LAUNCH OF AGAW DILIM, AGAW LIWANAG
Lualhati M. Abreu will be launching her book Agaw Dilim, Agaw Liwanag on January 29 at the UP Press Bookstore in Balay Kalinaw, UP Diliman. The launch will start at 3 p.m. and is sponsored by the First Quarter Storm Movement.
Agaw Dilim, Agaw Liwanag won the Gawad Likhaan: UP Centennial Literary Awards creative nonfiction category. The other winners of the Gawad Likhaan like Jerry Gracio’s Aves and Jose Marte Abueg’s Bird Lands, River Nights and Other Melancholies have also been published by the UP Press.
Says critic Caroline Hau: “Ang Agaw-dilim, Agaw-liwanag—kagila-gilalas na talambuhay ni Lualhati M. Abreu—aktibista, peminista, gerilya, at manggagawang pangkultura—ay malalim na nakahabi sa kasaysayan ng mga pakikibakang mapagpalaya sa Pilipinas nitong huling sandaang taon.
Ang salaysay na ito ng isang tagaloob ukol sa mga ugat, pagpapanimula, paglawak, krisis, at mga tagumpay ng kontemporaneong kilusang rebolusyonaryo ay namumukod hindi lamang dahil sa mga suring-tanaw nito sa mga tao, lugar, at pangyayari na humubog sa pulitikang radikal, kundi dahil rin sa walang-kurap nitong pagkaprangka at nanunuot na pagsudsod sa pait at tamis ng komitment at sakripisyo na nasa kaibuturan ng rebolusyonaryong pag-iisip at pagkilos.”
National Artist for Literature Bienvenido Lumbera also praised the work in its Gawad Likhaan Citation: “Walang pasubali na nagkaisa ang tatlong hurado ng Malikhaing Sanaysay na igawad kay Lualhati Abreu ang tanging gantimpala, tanda ng kanilang pagkilala sa saklaw at lalim ng pagtalakay sa kasaysayang pinaksa, at sa igting at hakab ng kanyang pagkasapol sa malanobelang teknik upang mailahad ang talambuhay ng isang babaeng matibay na isinabuhay ang kanyang rebolusyonaryong paninindigan sa akdang Agaw-dilim, Agaw-liwanag. Kahanga-hanga ang paggamit sa wika na buong linaw na nakapagtanghal sa mga pangyayari at tauhang gumalaw sa naratibo ng kanyang karanasan bilang aktibista at rebolusyonarya. Ibayo ang itinaas ng pamantayan sa pagsusulat ng malikhaing sanaysay sa wikang Filipino bunga ng praktika ni Bb. Abreu.”
Abreu does research work and writing for non-government organizations in Metro Manila and Mindanao. She is taking up History at the UP Diliman.
Arvin Abejo Mangohig
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment