Philcoa Overpass

0 comments


Napadaan kami kaninang madaling araw, bumagal at puno ng sasakyan gawing Philcoa habang nagmamadaling papasok. Iinit na sana at mawawalan na ng pag-asa baa ma-late kami yun pala'y ginigiba ka na! Ipinalit nila ang mas mataas, matatag, at hi-tech na footbridge. May kirot kaming nadama...

Bif\glang nanumbalik ang sentimyentong hawak sa bawat hinakbang sa yo. Di malilimutan ang mga gulay, pantali sa buhok, tsinelas at ang priced posesyon na signed Eheads Fruitcake book copy na nabili sa mga vendors mong babad sa araw at lamig. Lalo na yung mga photos taken from this vantage point tuwing may rally at nitong huling Fun Run. Sayang rin at di ko na nakuhanan ang mga Street Art na pinaskil nila sa pader mo- pader na dati-rati'y may lagusan pa-Center Mall.

Paalam, Philcoa Overpass. Mamimiss na namin ang magsabing "Sa may overpass lang po."

Related Posts with Thumbnails

Followers

 

Momma & Sons.